Hangganan

Napag-iwanan na pala ako ng panahon,
Ang bawat araw ay nagsilbing mga taon.
Tila ba nagbago ka na,
At ‘di na tyo magkakilala.

Naaalala ko pa rin ang lahat,
Animo’y pelikulang puno ng flashback.
Mula sa pagtatagpo ng ating landas,
Hanggang sa mag-umpisa kang umiwas.

Dama ko pa rin ang init ng iyong yakap,
Ang haplos ng kamay mo na patuloy na tumatatak,
Ang ating mga labing halos wala ng agwat,
At lahat ng salitang iyong isinaad.

Naiwan ako, sa gitna ng mahinahon at payapang karagatan,
Walang balsa o alon na maghahatid sakin patungo sa pampang.
Habang pinagmamasdan kang umaahon at walang pakialam,
At ang bawat segundo na aking pananatili ay ang iyong paglayo at paglisan.

Naiwan ako, sa pagitan ng mga ala-ala,
Na nagbubuklod sa kwento nating dalawa.
Na naglalaman ng magkahalong lungkot at saya,
Sa gitna ng mga salitang oo at hindi, meron o wala.

Walang araw ang lumipas,
Na hindi inisip kung bakit umiwas.
Kung may nasabing mali,
O nagawa, na dapat hindi.

Walang paramdam o kahit kumusta,
Hanggang sa muli kitang nakita.
Walang bakas ng problema
At kapiling ang iba.

Tulad ng isang upuan
na ginamit na tungtungan.
Iniwang nakatiwangwang
At sa sulok matatagpuan.

At kahit sira na ang apat na paa,
Patuloy na umaasa kahit wala ng halaga,
O kahit na tapos na o huli pa,
Na babalik ka at sa aki’y magpapahinga.

9 thoughts on “Hangganan

    1. “Hindi lang mukha, kun’di sobrang lalim,
      Na walang makapagsasalba sa’kin.
      Ang sakit at luha naging merienda na sa hapon
      At ang minuto sa pag-iisip, nagsilbing mga taon.”

      Marami pong salamat :))

      Like

Leave a comment