Ang Ating Halaga

Magkasama tayong dalawa,
At ang mukha’y kakikitaan ng saya.
Pinagmamasdan ang iyong labi,
Pinakikinggan ang mga salita at papuri.

Hawak ko ang kamay mo,
Hindi alam kung saan patungo.
Nang bigla kang bumitaw,
At naglaho ang haring araw.

Nagising ako sa panaginip,
Na nilikha ng isip kong walang bait.
Katabi ang basang unan,
At mga matang bakas ang kalungkutan.

Para kanino pa ba babangon?
Magpapakalunod na lang sa higaan at hindi na aahon.
Paano ba mag-uumpisa,
Kung ang dahilan ng paggising sa umaga ay wala na?

Paano ba gagawa at kikilos,
Kung ang lakas sa pag-iyak ibinuhos?
Paano pa haharapin ang buhay,
Kung masasaktan lang at malulumbay?

Ano nga ba ang halaga natin sa isa’t-isa?

Ikaw ang hinihintay ko,
At siya, ang hinihintay mo.
Ikaw, ang pupuntahan at babalikan,
At ako, ang lagi mong iniiwan.

Ikaw, ang unang iniisip pagmulat ng mata,
At ako, ang dahilan ng ‘yong pagkairita.
Ikaw, ang nais makausap sa tuwing ang antok ay dadapo,
At ako, ang siyang tutulugan kapag naghihintay sa’yo.

Ikaw, ang nag-iisa kong saya,
At ako, ang iyong binabalewala.
Ikaw ang laman nitong puso,
At ako, walang puwang sa mundo mo.

Ikaw, ang dahilan ng pagluha at kapanglawan,
At ako, ang takbuhan at nagpapatahan.
Ikaw, ang sa aki’y nananakit,
At ako, sa masasakit mong salita’y pumipikit.

Ang tangi kong  hiling ngayong pasko,
Na sana sa pagmulat mo.
Magkaroon ako ng halaga,
At makamit ang pag-asa.

3 thoughts on “Ang Ating Halaga

Leave a reply to callmeriina Cancel reply