Wala nga palang Tayo

Bakit ikaw ang laman nitong puso?
Napupuyat sa pag-aalala sa’yo.
Inaabangan ko ang bawat sagot mo,
Sa mga text at chat na ibinibato ko.

Hindi makagawa kapag ikaw ay wala.
Saan ka nagpunta? Ikaw ba’y nakauwi na?
Ano ang iyong ginagawa? Ikaw ba’y nakakain?
Natulog ba ng maaga  at anong oras gumising?

Lagi mo na lamang akong binabalewala, at nakakainis na.
Ang pagiging manhid ay nakakasakit din pala.
Na para bang ang lahat ng gagawin ko ay wala lang sayo,
At hindi na makakaalis sa mga katagang ako lang ay “kaibigan mo”

Ang paghihintay sa’yo tuwing matatapos ang leksiyon,
Ang regalong pinag-isipan at binuhusan ng atensiyon.
Ang pagnanais na puntahan ka upang makita  at mangumusta.
Ang pagtawag kung magaling ka na ba at maalis ang pag-aalala.

Wala ka ba talagang pakiramdam,
O nagtatago at tumatakas ka lang?
Dahil hindi mo alam kung paano ka sasagot,
Sa pagmamahal na iniaalay ko at iniiabot.

Nais kong marinig ang boses mo na humehele sa pagtulog ko,
Na nagtataboy sa mga agam-agam ko sa mundo.
Ang awit mo na  sa pandinig ko’y nasa tono,
Kahit na ang dating sa iba’y sintunado.

Namulat ako matapos sampalin ng katotohanan,
Na para bang kung umasta’y parang kasintahan.
Wala lang pala ako sayo at wala nga palang tayo,
At nananatili pa rin akong kaibigan sa mga mata mo.

 

Advertisements

Leave a Reply

Fill in your details below or click an icon to log in:

WordPress.com Logo

You are commenting using your WordPress.com account. Log Out / Change )

Twitter picture

You are commenting using your Twitter account. Log Out / Change )

Facebook photo

You are commenting using your Facebook account. Log Out / Change )

Google+ photo

You are commenting using your Google+ account. Log Out / Change )

Connecting to %s